Praktikal ba ang maging masungit? depende yan sa iyong kalagayan sa buhay. Halimbawa, kung ikaw ay public image, hindi ka dapat ka kitaan ng negative attitude. Pero kung ikaw ay ordinaryong nilalang lang naman at may mabigat na responsibilidad sa opisina, ang pagiging masungit ay nagbibigay ng advantage sa iyo upang matapos mo ang mga dapat tapusin. Kasi nga naman, kung masungit ka, maraming mag aalangan lumapit sa iyo para mag pagawa ng kung anu ano mapa work related man o pakisuyo.
Datapwat, dapat mo rin malaman, na sa huli, kaw rin ang mahihirapan. Lalayuan ka ng mga tao. Di ka makaka utang, di ka makakapan ligaw, di ka bibigyan ng exchange gift etc etc.
Dapat ang pagiging masungit ay nasa moderate mode lang. Dahil lahat ng sobra ay masama.
No comments:
Post a Comment